Uncategorized

Ampalaya lang ang Bitter

image

G: Ulam ka ba?
C: Bakit?
G: Kasi ang BITTER MO!

Iyan ang sabi ng kapatid kong badtrip na sa mga hugot quotes ko.
Karamihan sa atin ngayon benta ang mga hugot quotes na naglipana sa
social media. Kaliwa’t kanan ay makakabasa ka ng mga hugot ng mga
taong nasawi, nasasawi at malapit ng masawi

image

Saan nga ba galing ang pagiging bitter? Kadalasan nagmumula ito sa
kailaliman, kadilim-diliman, at kasakit-sakitang state of someone’s
heart – HEARTBREAK. Nagiging matalinghaga ka sa tuwing nawawasak at naiiwan kang luhaan at sa estado mong yan, diyan ka makakahugot at
makakagawa ng mga Hugot lines na papatok sa mga netizens at broken
hearted. May bonus pa! Minsan makakagawa ka pa ng kanta gaya ni Taylor
Swift.

Lahat ng bagay na makita mo ay palaging mayroong connection sa state
of your heart. Tulad na lang ng juice. “Four Seasons lang yan, kasi
walang FOREVER!” o kaya naman, “Buti pa ang itinitinda mong manok
NAGMAMAHAL.”

Heto ang matinde, habang nasa bundok ako at sinamahan maghike ang isang kaibigan, narinig ko ang nakasalubong namin na dalawang hiker na pababa na ng bundok.

M1: Pre, dahan-dahan lang sa pagbaba.
M2: Bakit pre?
M1: Delikado pre, kasi baka ma-fall ka lang at masaktan. Walang sasalo sa iyo diyan.

Well, inaamin ko naman nakarami na rin ako ng mga hugot lines lalo. Pwede na nga siguro akong makagawa ng isang libro na mukhang MEMORIES ni Lang Leav. Yun nga lang ang title, ANG MGA HUGOT NI LOLA CAMILLE.

Sa pagiging ampalaya o bitterella mo ay paulit ulit mo na lang panunuorin ang pelikula ni John Lloyd at Bea Alonzo – ONE MORE CHANCE. Pambansang movie na yata yan ng mga sawi. Pero kung isa kang pabebe at ang script mo ay,

WALA KAYONG PAKI KUNG BITTER AKO! KUNG GUSTO NIYO MAGPAKA-BITTER DIN KAYO!

Ang tanging sasabihin ko lang sa iyo, TAMA NA IYAN! ITIGIL MO NA YAN!

CURE
Magmumukha kang ampalaya kung hindi ka titigil sa pagmumukmok. It’s
time to move on! You don’t need to look like a bitter gourd. Gusto mo bang kumulubot iyang maganda mong mukha? Teka, alam kong habang binabasa mo ito sasabihin mong, “Oo, mukhang napakadali sa iyong hindi
magpakabitter. May forever ka ba?”

Alam ko yan ang tumatakbo sa isip mo habang binabasa mo ito. My dear
friend, been there done that. I think nakalampas na ko sa stage na
iyan. Honestly, it’s kind of enjoying but really that state was so
heavy.  Parang everytime na lang na may makita ka ay iisip ka ng
maihuhugot. Well, it’s not healthy. Trust me! Feeling ko nga noong mg
panahong bitter ocampo din ako eh parang tumanda ako ng mga 20 years!
Mejo o.a. ako pero it’s true it’s like I have excess baggage na
inaayawan sa mga airports. At kung may excess baggage ka na tulad ng
pagiging bitter, you know who to call? It’s God, just like what it
says in Matthew 11:28-30

“If you are tired from carrying heavy burdens, come to me and I will
give you rest. Take my yoke I give you. Put it on your shoulders and
learn from me. I am gentle and humble, and you will find rest. This
yoke is easy to bear, and this burden is light.”

Tama na ang pagtawag sa mga kaibigan mong mas bitter pa at mas
ampalaya pa ang mukha sa iyo. Naku, friend sinasabi ko sa iyo marami
pang pag-ibig sa mundo. Bring your sweetness back and stop moping.
Just trust God and His promises for your life. Malay mo naman you just
need to go through at that time of your life to realize your worth and
to learn some lessons. These are lessons that will bring that better
version of you.

So next time na iniisipan mo ng hugot line yang bagay na hawak mo, think of it:

BE BETTER NOT BITTER!

At proud mong kakantahin ang newest single ng favorite band ko na Callalily,

“Hindi ako bitter nung sabihin kong ayaw ko na, ’cause now I am stronger. Better kung wala ka na.”

Spread love my friends and let’s all be the BETTER Version of
ourselves for the BETTER person coming along our way!

Love,
Camille

1 thought on “Ampalaya lang ang Bitter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *