Tagalog

Hugot Huwebes

image

“Huwag mong ilagay ang sarili mo sa sitwasyong alam mong matatalo ka.”

Minsan feeling natin unfair ang pag-ibig. Pero kadalasan tayo rin naman ang gumagawa sa sarili nating ka-unfair-an sa pag-ibig.

Paano?!

Una. May nagmamahal sa iyo pero habit mo na ata talaga ang magpahintay. Feeling VIP ka, paasa at pahabol. Kahit na alam mong mahal mo naman, pinaghihintay mo pa rin.

Huwag mong itanong,

Bakit? Hindi ba ko kahintay hintay?

Dahil sasagutin ka ni Coco Martin,

Bakit? Hindi ba ko kamahal mahal?

Dahil baka isang araw you will wake up na wala na iyong taong nagmamahal sa iyo. Kahit ang kalabaw napapagod din. Ang tao pa kayang matiyagang nagmamahal sa iyo ngunit walang natatanggap na pagmamahal at pagpapahalaga na galing sa iyo.

Pangalawa. Masyadong mataas tingin mo sa sarili mo. High standards ka teh! Kadalasan hanap ka ng hanap ng taong magmamahal sa iyo. Feeling mo mag-isa ka lang. Pero iyang feeling na yan ay kathang isip mo lang.

Sometimes the things you are finding are right under your nose. Busy ka kasi masyado kakahanap ng bagay na meron ka. Kaya hindi mo talaga makikita. Meron ka naman kasi naghahanap ka pa ng mas hihigit sa kung anong meron ka. No contentment.

Magkalma ka kaibigan pag-ibig lang yan! Try mo tumigil sa paghahanap, makiramdam ka. Dahil baka iyong hinahanap mo nasa tabi mo lang.

3 thoughts on “Hugot Huwebes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *