Tagalog

Hanap

Sabado. Madalas ito ang araw ng pamamasyal, bonding time ng mga tao. May mga kaibigan ako pero kakaunti lang di ako yung tipo ng taong madaling humanap ng kaibigan. Suplada raw kasi ako. Na hindi naman totoo. Busy na lahat sila sa kanya-kanya nilang buhay.

May mga estudyante na makikita mo sa mall kasama mga barkada nila. Umorder ng mcdo fries at pinagsama-sama sa tray habang nagkukuwentuhan ng buhay eskwela, lovelife at mga bagong trends.

May mga young professionals na makikita mong bitbit ang laptop, kausap mga clients nila.

May mga mag-jowa na namamasyal at ang huling kita ay noon nakaraang weekend pa. Miss na miss ang isa’t isa kaya naman kung maglakad ay parang naka-glue sa isa’t isa.

May mga tao namang mag-isa. Nagbabasa sa isang sulok ng fastfood resto. Hinihintay yung limang minuto pa raw bago iserve na coffee float. Okay lang yun. Hanggang sa lampas limang minuto na wala pa rin. May susulpot na waiter bitbit yung inorder mo pero di ka niya mahanap, ikaw nakita mo na pero di mo pa tinawag. Susuko iyong waiter.

image

Susubok na hanapin ng panibagong waiter yung mag-isang babaeng nagbabasa sa sulok na hindi mo iisiping lulugar doon. Dudungaw siya. Ngingitian yung waiter mula sa malayo. Gumawa na siya ng paraan para mahanap siya.

Paglapit ng waiter sabi ng mag-isang babae, “buti na lang nahanap mo ko. Salamat.” May mga pagkakataong di tayo mahanap dahil mas pinipili nating  magtago.

Minsan nakita mo na iyong hinihintay mo hindi ka naman gumagawa ng paraan para maabot ito. Nahihiya ka. Hirap sa tao pinalalampas iyong unang pagkakataon.

3 thoughts on “Hanap

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *